• Posted by Robert of Dubai, U.A.E

    Thursday, September 06, 2012 03:36 am
    Biyaya ng Panginoon at napasimulan na ang extension devotion sa discovery gardens. Nakakagalak sa Panginoon na maraming bagong kapatid ang dumadalo ng devotion. We believe that God will show more mighty works sa extension ng discovery gardens lalo na ngayon na natuturuan na ang mga kapatid sa dakong ito na manalangin tuwing umaga. Salamat din po sa ating mga mahal na pastor aldrin at pastor elleza na lagi sumusuporta sa extension ng discovery gardens. To God be all the glory!
  • Posted by Ronald Tuzara of KSA DAMMAM

    Tuesday, August 28, 2012 10:21 am
    Ako po ang kapatid na ronald tuzara sa dako ng dammam nagpupuri at nagpapasalamt ako sa Panginoon dahil sya ang gumawang makapangyarihan sa amin. Sabi nga sa iyong pagnanasa ang Diyos ang gagawa. Nagnasa po kami namakapunta sa 5th MEDC sa dako ng dubai. Tunay ang Diyos ang gumawang makapangyarihan dahil 18 po kaming nakadalo sa dakong yun. Parang impossible ang nangyari pero lahat ng bagay ay possible sa Panginoon. Napayagan po kami lahat na makapunta ng company namin at yung sasakyan po namin na installment naming binabayaran ay pinayagan din. Una pinaghahanap kami ng garantor para mailabas ang sasakyan pero nga sabi by fauth Diyos ang gagawa. 1 week before ng gawain di na kami hinanapan ng garantor kundi binigyan pinayagan na ang sasakyan kahit bago ko lanag binabayaran yun. Sa biyaya ng Diyos travel po kami by land and panibagong pagsubok ang aming naranasan...4am po kami umalis pero 4am kami the next day dumating sa dubai..24 hours po...sobrang tagal namin sa boarder ( sobrang init at trafic almost 7 hours nakatigil dun) at halos sunod sunod ang pagsubok..nagover heat ang sasakyan ng kapatid, binagga ang isa nagasgasan ang 2..pero sa kabila ay pinagtagumpay po kami ng Diyos. sakabila na hadlang ng kaaway pero patuloy kaming pinagtagumpay ng Diyos at pinalakas ang aming pananampalataya... Salamat sa Panginoon dahil naging kabahagi kami ng sis. wife ko sa 5th MEDC sa dako ng dubai...Glory to God...now we are preparing naman po for our Dammam 7th Church Anniversary this coming 31 of aug. I know that God will do great and wonderful things again khit 5 days lang preparation....Purihin ang Panginoon
  • Posted by tendo1123 of San Jose del monte Bulacan

    Saturday, June 04, 2011 11:52 pm
    PRAISE THE LORD..alleluiah,,..ako po ay lubos na nagppasalamat sa Panginoong Diyos na may likha ng lahat sa mga blessing na ipinagkakaloob sa amin sa araw- araw..ako po ay nagpupurit nagpa2salamat kay Lord sa pagtugon nya sa aking mga matagal ko ng Panalangin at Pangarap sa Pagkakapromote ko saking trabaho at pag aaward sakin ng NHA sa bagong Tahanan na kanyang paghaharian. Lubos po ang aking Pasasalamat sa kanya sa mga taong ginamit nya upang ako'y matulungan at pagbi2gay nya sa aking mga Panalangin nawa ay patuloy po ang mga biyayang kanyang ipinagkakaloob at padaluyin ito sa lahat ng aming mga kamag-anak at patuloy na gabayang ang aking minamahal sa kanyang araw- araw na pamumuhay lalo na sa kanyang pag-aaral at lalo pa akong makatulong sa aking mga kamag-anak ang lahat ng ito ay aking itinataas sa matamis na pangalan ni Hesus AMen...Amen.....
  • Posted by junska of marikina

    Sunday, May 15, 2011 04:54 pm
    Praise the Lord!! Sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa Dios dahil binago nya ang buhay namin, akala namin wala ng patutunguhan ang aming buhay. Mahirap pala mag paalipin sa bisyo, inom ng alak at hilig sa gulo pero salamat sa Dios hindi nya kami pinabayaan, binago Niya kami.. dati mga pang sanlibutan mga inaawit namin ng mga ka banda ko pero ngayon puro makalangit na awitinb na, masarap pala magpuri sa Dios. Nagpapasalamat din ako sa nag-akay samin sa simbahan sa Mc. Adams extensions sa barangay Mayamot Antipolo Rizal. Sa biyaya po ng Panginoon buong ka banda ko po ay na bautismuhan. Ngayon, kami ay nagpapagamit na sa gawain ng Panginoon, kami po ay ginagamit ng Panginoon sa summer ministry. Ikaw nga ang tunay na Dios, wala ng papantay pa sayo...



    kami ang bandang Made in Heaven band
    na binago ng Panginoon...
  • Posted by Sis.Anabelle Cabida of Cainta Rizal

    Tuesday, May 10, 2011 12:47 am
    .. To God be the Glory!! Ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat ako po ay nakakapanatili sa paglillingkod.Dumating ang maraming pagsubok subalit nanatili pa din ang kabutihan ng Dios sa buhay ko.. Isa lamang buhay na patotoo ay nakasama ko na din ang aking asawa sa pagtatapat at paglilingkod pagkatapos ng maraming pagtangis at pagluhod sa mga panalangin..Nilingap ako ng Panginoon. Dati rati ay inaaway nya ako sa tuwing ako tutungo sa bahay sambahan at kung pumayag man ay limitado subalit sa tulong at kahabagan ng ating Panginoon narito! ako po ay nagpapasalamat sapagkat sa kabila ng madaming pagsubok na pinagdaanan ko at kasama ko na siyang naglilingkod sa Panginoon sa tunay na pananampalataya.. At pinagkalooban pa siya ng ministeryo ng Dios na hawakan at pangalagaan ang Sound system ng aming lokal...alam kong para siya doon.. Sapagkat sa haba ng panahon na walang humahawak sa sound system doon sapagkat wala din marunong at hinipo siya ng Dios upang ihandle iyon.. Nagpapasalamat talaga ako sapagkat dati rati lamang na tinitignan tignan nya ang bagay na yaon ngayon ay iyon na ang kaniyang ministeryo... salamat sa Dios tuwing araw ng Linggo siya pa ang nauunang bumangon upang bihisan ang aming mga anak para sa pagsamba.. Ayaw nyang mahuhuli kami.... Itinataas ko ang pangalan ng Ating Panginoon!
  • Posted by Aida Tumagan of Proj 4, Quezon City

    Thursday, March 24, 2011 02:02 pm
    Nais ko pong magpasalamat sa kay pastora sa pagiging instrumento nya ng pagmamahal ng Dios sa aking pinsan at kapatid sa Panginoong Hesus na si Linda Magtagnob na nakadalo po sa gawain noong kasalukuyan nroon siya sa Virac, Catanduanes dahil nagkaroon po cya ng mild stroke at nagkaroon ng temporary paralysis. At sa habag at biyaya ng Dios at sa pananalangin ni pastora at mga kapatiran maayos na po cyang nakakapaglakad at pinayuhan nga po cya na patulod na maglingkod sa Panginoon. Maraming salamat po una sa Panginoon at sa mga kapatiran pong tulad nnyo na patuloy na pingkatiwala ang buhay sa Panginoon Hesus!
  • Posted by Renz Chua of Cavite

    Tuesday, March 22, 2011 12:49 am
    praise God..
    biyaya po ng Panginoon ako po ay nakakapangaral na sa mga bus, palengke at sa school
    ako po ay nagagalak dahil sa kabila ng ako ay kabataan pa lamang at bago sa pananampalataya(2years) ako po ay nagkaroon ng kaloob na ganito..at akin ng naibabahagi ang kaligtasan na tinanggap ko mula sa Panginoon.
  • Posted by anonymous

    Friday, March 18, 2011 07:30 am
    Thank you Lord... You've blessed me more than I deserved....Thanks for guiding me with my studies and for giving me failures to overcome my weaknesses....Thank you God..To God be all the glory
  • Posted by anonymous

    Friday, February 18, 2011 05:37 am
    Praise the Lord!! Truly God is great!! Sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa Diyos sa kanyang pagkilos sa aking buyhay! Kagabi lang po nung nag post ako ng prayer request, that time, my heart was really full of bitterness and some things trouble my mind.. So many things I did that day; I went to school and made fun with my classmates, yes I laughed with them but deep inside in my heart there still the bitterness espescially, when I\'m alone..that night, I posted my prayer request here while listening gospel songs.. Truly, those moments.. I felt so good. I felt so happy and my tears seemed like to fall down from my eyes. I was so touched by the music that I heard! And when I was walking for home, I don\'t know why my heart felt so glad even if I was alone. I smiled at every people I passed by. I felt my spirit went srtonger and I got a peace of mind. Nothing troubles me anymore!! I feel free, strong and happy!! PRAISE THE LORD!! Thank you so much and God bless!!
  • Posted by sis. Luby adajar of dubai

    Wednesday, February 16, 2011 09:10 am
    Praise God!isa po malaki biyaya na patuloy na ang kahabagan ng ating Panginoon ay aming nararanasan! tunay na dakila ka at tapat! nagpapasalamat po ako sa aking mga kahilingan na kanya pinagkaloob sa amin, kalakasan ng aking kapatid at kagalingan at hiniling ko makapasa ang aking anak sa driving. salamat po sa kaligtasan na aming natanggap, dalangin ko po na ang buo kong sambahayan ay patuloy na makapaglingkod at masunod nmin ang kalooban ng Dios. binabalik ko ang papuri at kalualhatian sa iyo.. amen